Choose your weapon.
Choose how to use it wisely on July 14 and 19!
End state abandonment!
Walk out for education!
Mayroong limang sentruhan ang pagkilos bukas: AS, Engg, CAL, Maskom, at Math. Para ayos.
Simula 8:30 ay may teach-in’s, discussion groups, at prodwork na magaganap sa AS Lobby. Ganun din sa CAL Atrium. Ganap na 11:30 ng tanghali naman ay magmamartsa sa Acad Oval. “Magsusunduan.” Para bet.
Kung hindi man kayo papuntahin ng prof sa teach-in centers o kaya ay wala kayong klase/break niyo sa mga panahong iyan, diretso na sa pinakamalapit na sentruhan, at lapitan lamang ang mga organisasyong nagpapadaloy ng mga DG’s (discussion groups). Wag kayong mahihiya na sumali sa mga teach-in’s, DG, at prodwork! Para bongga.
FAQ’s
Hindi po ba pambabastos sa prof ito? -Ang pagbabastos ay ang ginagawa ng pamahalaan na kalakal ang ating edukasyon. Ang pambabastos ay ang pagsayang sa talino at kakayahan ng parehong guro at estudyante upang gawing mga pain sa negosyante. Ang pambabastos ay ang gawing pangarap na lamang sa mga anak ng manggagawa, magsasaka, maralitang lungsod ang makapasok sa mga paaralang buwis nila ang nagpapaandar. Hindi magkalaban ang prof at estudyante dito. Mahusay na mapaliwanagan ang prof. Mas mahusay kung makumbinsi ito at dalhin ang klase niya sa teach-in’s. YEHEY!
Wala na bang klase nyan? -Meron - klasrum natin ang AS Lobby, Engg Lobby, CAL Atrium, atbp.
Protesta lang nang protesta. Anubayan. -Di tayo protesta lang nang protesta, naghahapag tayo ng alternatiba. Naks ruma-rhyme.
“Huwag kang matakot lumiban sa klase. Matakot kang lumiban sa paglikha ng kasaysayan.” -Lean Alejandro












