Duyan ng Magiting

ni Mary Joy T. Capistrano

(Phil. Collegian, Setyembre 22, 2011)

Ang kasaysayan ng pakikisangkot ng kabataan ay hindi dapat manatili na isang kwento ng ating kasaysayan. Sa tuwing iniuusal natin ang mga katagang “matatapang, matatalino/ walang takot, kahit kanino/ hinding-hindi magpapahuli/ ganyan kaming mga taga-UP” nawa’y kilalanin natin—at ipagpatuloy—ang tradisyon ng paglaban at pakikisangkot sa loob at labas ng pamantasang hirang.